Sa panahon ngayon, isang iglap lang—isang sakit, aksidente, o emergency—puwedeng magdulot ng matinding financial burden sa pamilya. Sa kabutihang-palad, may mga programa ang gobyerno na nagbibigay ng tulong, lalo na para sa mga kapos sa kakayahan.
Isa sa pinaka-accessible ay ang medical assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Kung ikaw ay taga-Caloocan o kalapit na lugar, narito ang step-by-step na gabay kung paano ito i-process.